Ang VPN na gumagana sa buong mundo
Ang all-in-one app mo para sa online privacy, seguridad, at kalayaan
30-araw na money-back guarantee para sa mga bagong user
Mag-enjoy sa mas smart at
mas ligtas na digital na mundo
Sa isang ExpressVPN subscription, may access ka sa patuloy na lumalaking hanay ng privacy at security tools na magkakasamang gumagana para protektahan ang digital na buhay mo.

Ano ang VPN?
Ang VPN, o virtual private network, ay isang secure na tunnel sa pagitan ng device mo at internet. Pinoprotektahan ka ng VPN laban sa pagsilip sa data mo, panghihimasok, at censorship.
Kapag kumonekta ka sa isang secure na VPN server, dumadaan ang internet traffic mo sa isang encrypted tunnel na walang sinuman ang makakasilip—kabilang ang mga hacker, gobyerno, at internet service provider mo.
Bakit ExpressVPN?
-
Mga server sa 113 bansa
Sa aming pandaigdigang network, palaging may maaasahang koneksyon malapit sa inyo.
-
Pinakamahusay na encryption
Ang bawat koneksyon ay protektado ng AES-256, ang pamantayang pinagkakatiwalaan ng mga bangko.
-
24-oras na live chat support
Mula sa pag-set up hanggang sa paglutas ng problema, narito kami para tulungan kayo.
-
Teknolohiyang TrustedServer
Ganap na tumatakbo sa RAM ang aming mga server, kaya nabubura ang lahat ng data sa bawat pag-reboot.
-
Napakabilis na koneksyon
Umaabot sa 1,177 Mbps ang pinakamataas na bilis, ayon sa independiyenteng pagsusuri ng Tom's Guide.
-
Gumagana sa lahat ng platform
Mga app na sadyang ginawa para sa Windows, Mac, iOS, Android, Linux, at mga router.
-
Gamitin sa hanggang 14 device
Maraming device ang puwedeng ikonekta, kaya hindi ninyo kailangang mag-alala sa limitasyon.
-
Walang mga tala ng aktibidad
Hindi namin kailanman itinatala ang inyong kasaysayan ng pag-browse, destinasyon ng trapiko sa internet, o IP address.
-
#1 premium VPN sa mundo
Palaging kinikilalang pinakamahusay na VPN ng mga tagasuri at pinagkakatiwalaan ng milyun-milyong gumagamit.
*Tingnan ang mga detalye ng device
Ano ang sinasabi ng mga tao tungkol sa ExpressVPN
Mga benepisyo at bentahe ng VPN
Baguhin ang lokasyon mo
Ang paggamit ng VPN ay nagpapalit ng iyong IP address, ang natatanging numerong tumutukoy sa iyo at sa lokasyon mo sa mundo. Sa bagong IP address, mas mahirap matukoy ang iyong pagkakakilanlan at tunay na lokasyon. Sa ExpressVPN, maaari kang magmukhang nasa UK, U.S., Canada, Australia, o alinman sa 113 bansa.
Protektahan ang privacy mo
Ang pagpapalit ng IP address gamit ang VPN ay nakakatulong na itago ang iyong pagkakakilanlan mula sa mga website, app, at serbisyong gustong subaybayan ka. Dahil sa matibay na encryption, pinipigilan din ng mahusay na VPN ang internet provider, mobile carrier, at sinumang posibleng nakikinig na makita ang iyong aktibidad.
Palakasin ang seguridad mo
Ang paggamit ng VPN ay pinoprotektahan ka laban sa mga paglabag sa seguridad sa iba’t ibang paraan, kabilang ang packet sniffing, mapanlinlang na Wi-Fi network, at man-in-the-middle attacks. Gumagamit ng VPN ang mga biyahero, remote worker, at iba pang laging on the go tuwing kumokonekta sila sa hindi mapagkakatiwalaang network gaya ng libreng public Wi-Fi.
Kailan ako dapat gumamit ng VPN?
Kung mahalaga sa iyo ang privacy, dapat kang gumamit ng VPN sa tuwing kumokonekta ka sa internet. Gumagana ang VPN app sa background ng device mo, kaya hindi ito sagabal habang gumagamit ka ng ibang app at nagba-browse sa internet. At panatag ka dahil alam mong laging protektado ang iyong privacy.
Narito ang ilang sitwasyon kung kailan lalong kapaki-pakinabang ang VPN:
-
Habang nagbibiyahe
Hindi mo kailangang baguhin ang paraan ng paggamit mo ng internet habang naglalakbay. Sa VPN, magagamit mo ang internet na parang nasa sarili mong bansa ka pa rin, gaano ka man kalayo.
-
Habang nag-e-enjoy online
Sa VPN, mae-enjoy mo ang mga paborito mong site at serbisyo nang hindi naaabala ng ISP throttling na maaaring magpabagal sa experience mo o ng tuluyang pag-block ng ISP o lokal na Wi-Fi network.
-
Kapag gumagamit ng public Wi-Fi
Kapag kumonekta ka sa public Wi-Fi hotspot sa mga cafe, airport, at parke, maaaring malagay sa panganib ang pribado mong impormasyon. Sa paggamit ng VPN sa mga device mo, pinoprotektahan ka ng matibay na encryption.
-
Habang naglalaro
Sa VPN, maaari mong ma-access ang mga game, map, skin, at iba pang add-on na maaaring naka-restrict sa network mo. Pinoprotektahan ka rin nito laban sa DDoS attacks at nakakatulong na bawasan ang ping at pangkalahatang lag.
-
Habang nagfa-file sharing
Sa P2P file sharing, karaniwang nakikita ng ibang tao ang IP address mo at maaari nilang masubaybayan ang mga download mo. Pinananatiling pribado ng VPN ang IP address mo para makapag-download ka nang mas anonymous.
-
Habang namimili
May ilang online store na nagpapakita ng magkakaibang presyo depende sa bansa ng shopper. Sa VPN, makakahanap ka ng pinakamagagandang deal sa buong mundo saan ka man namimili.
Paano gumagana ang VPN?
Para mas maintindihan kung paano gumagana ang VPN, makakatulong munang malaman kung paano gumagana ang internet connection mo kapag wala ito.
Kapag walang VPN
Kapag nagbukas ka ng website nang walang VPN, kumokonekta ka rito sa pamamagitan ng internet service provider o ISP mo. Binibigyan ka ng ISP ng natatanging IP address na maaaring gamitin ng website para makilala ka. Dahil ang ISP mo ang humahawak at nagdidirekta ng lahat ng traffic mo, nakikita nito kung aling mga website ang binibisita mo. At maaaring maiugnay sa iyo ang aktibidad mo sa pamamagitan ng natatanging IP address na iyon.
Kapag may VPN
Kapag kumonekta ka sa internet gamit ang VPN, ang VPN app sa device mo (tinatawag ding VPN client) ay gumagawa ng secure na koneksyon sa isang VPN server. Dumadaan pa rin sa ISP mo ang traffic, pero hindi na nito mababasa ang data o makikita ang huling destinasyon nito. Hindi na rin makikita ng mga website na binibisita mo ang orihinal mong IP address—ang makikita lang nila ay ang IP address ng VPN server, na ginagamit din ng maraming iba pang user at regular na nagbabago.
-
Hindi Nakakonekta Nakakonekta
-
![What is a VPN? image.]()
![Laptop with an unsecured connection to the internet with an eye looking at traffic data between the laptop and the internet.]()
![Laptop with an unsecured connection to the internet with an eye looking at traffic data between the laptop and the internet.]()

Proxying
Gumaganap ang VPN server bilang proxy, o kahalili, para sa web activity mo: Sa halip na ang tunay mong IP address at lokasyon, ang IP address at lokasyon ng VPN server lang ang makikita ng mga website na binibisita mo.
Dahil dito, mas nagiging anonymous ka sa internet.
Authentication
Ang paggawa ng secure na koneksyon ay isang komplikadong problemang nilulutas sa pamamagitan ng matematika sa prosesong tinatawag na authentication.
Kapag na-authenticate na, matitiyak ng VPN client at VPN server na sila lang ang direktang nag-uugnayan at walang ibang kasali.
Tunneling
Pinoprotektahan din ng VPN ang koneksyon sa pagitan ng client at server gamit ang tunneling at encryption.
Ang tunneling ay prosesong kung saan ang bawat data packet ay nakapaloob sa loob ng isa pang data packet. Dahil dito, mas mahirap itong mabasa ng mga third party habang ipinapadala.
Encryption
Ang data sa loob ng tunnel ay naka-encrypt sa paraang ang nilalayong recipient lang ang makakapag-decrypt nito. Dahil dito, nananatiling ganap na pribado ang laman ng internet traffic mo. Kahit ang internet service provider mo ay hindi ito makikita.
Mga uri ng VPN
-
![Laptop with a plant and drink.]()

Komersyal na VPN
Ang komersyal na VPN, na tinatawag ding personal VPN o consumer VPN, ay pribadong serbisyong direktang inaalok sa mga indibidwal, karaniwang may bayad.
Isa ang ExpressVPN sa ganitong uri ng VPN service dahil direkta nitong tinutugunan ang mga pangangailangan ng mga customer nito sa privacy.
-
![Pie chart.]()

VPN para sa mga kumpanya
Ang corporate VPN, na tinatawag ding business VPN, ay nagbibigay-daan sa mga remote employee ng isang organisasyon na kumonekta nang secure sa internet na parang nasa opisina sila mismo.
Gayunman, hindi tulad ng komersyal na VPN, ang corporate VPN ay dinisenyo para protektahan ang privacy ng kumpanya at hindi kinakailangang ang privacy ng indibidwal.
-
![Spanner and wrench.]()

VPN na sariling sine-set up
Pinipili ng ilang tech expert at DIY hobbyist na mag-set up ng sarili nilang VPN gamit ang sarili nilang kagamitan.
Gayunman, ang mga VPN na ikaw mismo ang nagse-set up ay hindi nagbibigay ng proteksyong dulot ng shared IP addresses, mga server location sa maraming bansa, o marami pang ibang feature na available sa mga gumagamit ng komersyal na VPN.
FAQ
Bakit isa ang ExpressVPN sa pinakamahusay na VPN provider?
Palaging kabilang ang ExpressVPN sa mga pinakamahusay na VPN provider dahil sa matibay nitong commitment sa privacy, bilis, at pagiging maaasahan. Dahil sa no-logs policy na na-audit ng mga independent firm, nananatiling pribado ang online activity mo—kahit mula sa amin. Ang network namin ng mga server sa mahigit 100 bansa ay nagbibigay ng mabilis at secure na koneksyon para sa streaming, gaming, o browsing. Tinitiyak ng advanced na TrustedServer technology na hindi kailanman naisusulat ang data sa hard drive, kaya mas napapalakas pa ang seguridad.
Paano pumili ng VPN provider?
Depende sa mga pangangailangan mo ang pagpili ng VPN provider. Unahin ang privacy features gaya ng no-logs policy, encryption, at kill switch. Pumili ng mabilis na mga server at maraming server location para sa maayos na streaming at gaming, at para malampasan ang mga geographic restriction. Para sa censorship resistance, pumili ng VPN na napatunayang maaasahan sa mga rehiyong may mahigpit na restriction. Panghuli, tiyaking sinusuportahan ng VPN ang mga device mo at may 24/7 na customer support.
Ano ang pinakamahahalagang bagay sa isang VPN?
Kabilang sa pinakamahahalagang feature ng VPN ang matibay na seguridad, mabilis na koneksyon, malawak na pagpipilian ng server location, at maaasahang performance. Para sa privacy, hanapin ang advanced encryption, no-logs policy, at kill switch. Pumili ng VPN na may high-speed servers at global coverage para sa maayos na browsing at streaming.
Legal ba ang mga VPN?
Oo, legal ang mga VPN sa karamihan ng bansa at karaniwang ginagamit ng mga indibidwal at negosyo para protektahan ang privacy at gawing secure ang online activity. Gayunman, maaaring limitahan o bantayan ng ilang bansang may mahigpit na regulasyon sa internet ang paggamit ng VPN. Kung hindi ka sigurado, palaging tingnan ang mga lokal na batas. Tandaan: hindi ginagawang legal ng paggamit ng VPN ang mga ilegal na gawain.
Mapagkakatiwalaan ba ang ExpressVPN?
Oo, lubos na mapagkakatiwalaan ang ExpressVPN. Tinitiyak ng mahigpit nitong no-logs policy, na independiyenteng na-audit ng mga third-party firm, na hindi kailanman nire-record ang online activity mo. Pinoprotektahan ng advanced security features gaya ng AES-256 encryption at TrustedServer technology ang data mo, habang napatunayan sa mga nakaraang legal na kaso na walang user data na maibabahagi. Ipinapakita ng mga proteksyong ito ang commitment ng ExpressVPN sa privacy at transparency.
Bakit piliin ang ExpressVPN kaysa sa libreng VPN?
Madalas may kaakibat na panganib ang mga libreng VPN, gaya ng pag-log ng data mo, paglalagay ng ads, o pagbebenta ng browsing history mo. Sa ExpressVPN, makakakuha ka ng mabilis at maaasahang koneksyon na walang bandwidth cap, advanced encryption para sa privacy, global server coverage sa 113 bansa, at 24/7 na customer support. Para sa seguridad at performance, mas ligtas na pagpipilian ang premium VPN.
Kayang lampasan ng VPN ang censorship?
Oo. Kayang lampasan ng VPN ang censorship sa pamamagitan ng pag-encrypt ng internet traffic mo at pagdaan nito sa mga secure na server sa ibang bansa. Itinatago nito ang tunay mong IP address para magmukhang nagba-browse ka mula sa ibang lokasyon. Gumagamit din ang mga advanced na VPN ng obfuscation technology para malampasan ang mga firewall sa mga rehiyong may mahigpit na restriction, kaya maa-access mo ang mga naka-block na website at app.
Aling mga device ang sinusuportahan ng ExpressVPN?
Sinusuportahan ng ExpressVPN ang Windows, Mac, iOS, Android, Linux, Apple TV, Android TV, Fire Stick TV, at marami pa. Maaari mo ring gamitin ang Aircove router na may built-in VPN functionality para protektahan ang lahat ng Wi-Fi device, kabilang ang mga game console, smart doorbell, at voice assistant.
Maaari ko bang gamitin ang ExpressVPN habang naglalakbay o nagbabakasyon?
Oo, perpekto ang ExpressVPN para sa paglalakbay. Ginagawa nitong secure ang internet connection mo sa public Wi-Fi at pinoprotektahan ang data mo gamit ang advanced encryption. Maa-access mo ang mga online service mula sa sarili mong bansa, gaya ng streaming platforms o banking apps, nasaan ka man. Bukod dito, tinutulungan ka ng ExpressVPN na malampasan ang mga regional restriction para ma-access ang mga website at app na maaaring naka-block sa lokasyon mo











